Biyernes, Marso 29, 2013

NAKASUHAN SA PAGIGING ABUSADO

Panibagong kaso na naman laban kay BI Comm. Ricardo David Dayunyor

00 Bulabugin
MUKHANG kinakabayo na ng malas si Bureau of Immigration (BI) Comm. Ricardo David Dayunyor.
Sinampahan na naman siya ng second graft complaint in connection with the alleged anomalies in a P50-million biometric system project na ginagamit ng BI ngayon.
Comm. Ric “El Bisikleta” David was charged before the Office of the Ombudsman dahil sa paglabag sa Republic Act 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act), RA 6713 (Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees), RA 9184 (Government Procurement Reform Act) and Executive Order 292 (Administrative Code) for pursuing a project that is allegedly disadvantageous to the government.
Pakengsyet!!!
Ang dami nang kaso ah. Nakatutulog pa kaya siya n’yan nang mahimbing!?
Ang grupong Anti-Trapo Movement of the Philippines Inc., represented by founding chairperson Leon Peralta ang nagsampa ng kaso laban kay Comm. “El Bisikleta” David.
Also named in the complaint were David’s Head Executive Assistant, Grace Lara; Dino Vizconde, Acting Chief of BI’s Information and Communications Technology Division; and members of the bids and awards committee.
Ayon kay Peralta ang cost ng project na P50 million para sa biometrics type of daily time record ay masyadong malaki at pagwawaldas lang ng government money dahil mas kailangan ng BI ng mas modernong border control and management system na maikokompara sa Automated Fingerprint Identification System, acquired by the National Bureau of Investigation and the Philippine National Police for nearly P1 billion.
Peralta’s complaint is the second graft case filed against David within two months.
Sabi ng advocacy group na PRO-PIA (Philippine Immigration Advocates), composed mainly of BI employees and some private entities, na ang project ay apurahang ini-offer WITHOUT a thorough technical study and evaluation.
Aaah, siyempre may kumita sa project na ito.
Mahal na Pangulo, ‘Yan po ang “daang matuwid,” sa BI, pero wala naman direksiyon!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento