Biyernes, Marso 29, 2013

KOREANO PINATAKAS NG TAUHAN NI RICARDO DAVID

NAHAHARAP sa imbestigasyon ang ilang opisyal at kawani ng Bureau of Immigration sa NAIA Terminal 2 makaraang makalabas ng bansa ang isang Korean fugitive na inakalang nakakulong sa Bicutan pero naaresto sa Incheon, South Korea.
Kinilala ang puganteng Koreano na si Park Sung Jung, na nakaalis, gabi ng Marso 19 sa NAIA Centennial Terminal 2. Siya ay sumakay sa isang flight ng Philippine Air Lines patungong Incheon.
Ayon sa source, kaagad dinampot si Park ng mga kagawad ng Korean Immigration sa  Incheon ,  South Korea nang magpa-clear sa immigration counter.
Lumabas umano sa listahan ng most wanted ang larawan at pangalan ni Park.
Napag-alam din na nagalit ang Korean Embassy kung bakit nakalabas ng Filipinas si Park gayong may request umano sila (Korean Embassy) na agad i-deport si Park kapag ito ay nahuli upang papanagutin sa kasong large scale fraud dahil tinangay niya ang mahigit US$25 million mula sa mga investor.
Batay sa record ni Park, siya ay dumating sa bansa noong isang taon matapos takasan ang kanyang kaso.
Hiniling ng Korean Embassy sa BI na arestuhin si Park at agad na i-deport kapag siya ay nahuli.
Nahuli si Park nakaraang taon, at pansamantalang ikinulong sa BI Detention Cell sa Bicutan ngunit imbes pata-wan ng warrant of deportation, siya ay pinagkalooban ng 9G working visa.
Ang pagbibigay ng 9G visa sa mga foreign investors ay dumaraan sa BI Board of Commissioners bago aprubahan ng Office of the Executive Jail Warden Eric Dimaculangan at ang final approval ay sa Office of the Commissioner Ricardo David.
Wala pang inilalabas na statement ang Bureau of Immigration sa nasa-bing insident
e.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento